«

»

Aug 11

Bagong punongguro ng LNHS, opisyal na iniluklok

ni: Dominic Campomanes

Opisyal na iniluklok sa katungkulan si Basilisa D. Negru bilang panibagong punongguro ng Leyte National High School noong Abril 23 sa silid-aklatan ng paaralan.
Mula si Gng. Negru sa Cirilo Roy Montejo National High School kung saan siya ay nanungkulan bilang punongguro.
Pinalitan ni Negru si Dr. Jane M. Codilan na ngayon ay nanunungkulan bilang District Supervisor ng Department of Education Tacloban Division na naging punongguro ng LNHS mula 2011 hanggang 2018.
“It is God’s plan to put me here,” (Plano ng Diyos na ilagay ako dito) wika ng punongguro, “I am very happy given the trust and confidence,” (Ako ay nagagalak at binigyan ako ng tiwala) dagdag pa niya.
Ayon sa punongguro, pangunahin niyang prayoridad ang kaginhawaan ng mga estudyante sa pag-aaral habang nasa paaralan; pagsasaayos ng silid-aralan at paglilinis sa mga palikuran ng paaralan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>